You're Reading a Free Preview
Dahil sa COVID-19, nagbago ang buhay natin–at habang ginagawa natin ang lahat ng ating makakaya para mapanatiling ligtas ang isa't isa, malaki ang ipinagbago ng mga gawi natin. Dahil sa mga kinakailangang hakbang na ginawa para makontrol ang pandemic, nagulo ang pandaigdigang ekonomiya at nagbago ang mga inaasahan, nakasanayan, at gawi sa pagbili ng mga consumer. Humantong ito sa mga bagong hamon sa mga supply chain, fulfillment, pisikal na tindahan, at para sa mga empleyado at customer. Sa Google, nakita naming umangkop sa mga bagong realidad na ito ang mga negosyo sa buong mundo–kasama na ang sariling naming mga negosyo. Nakita rin naming simulan ng mga negosyo ang pag-iisip tungkol sa mga hakbang tungo sa pagbawi ng ekonomiya sa tatlong yugto–pagtugon, muling pagbuo, at pagbawi–na bawat isa ay may mga natatanging priyoridad. Iba ang epekto ng bawat yugto sa mga negosyo, vertical ng industriya, at market–kung saan mas mabilis kumilos ang ilan kaysa sa iba–pero naobserbahan namin na nananatiling nakatuon sa pagtugon ang karamihan. Nagbabago-bago pa rin ang timeline ng pagbawi ng ekonomiya, pero may mga bagay na puwede mong gawin sa yugto ng “Pagtugon” para kumilos nang mas may katiyakan. Ang layunin ng gabay na ito ay tulungan kang isapriyoridad kung ano ang susunod na gagawin at umaksyon. Kasama roon ang mga paraan kung paano suriin ang sitwasyong kinakaharap ng iyong negosyo at ang mga susunod na hakbang para baguhin ang mga diskarte mo sa digital na marketing para matugunan ang mga pangangailangan ng customer. Maraming advertiser sa search ang nakakaranas ng mga pagbabago-bago dahil sa sitwasyon ng COVID-19. May mga natatanging layunin ang bawat kumpanya, kaya magiging iba ang yugto ng “Pagtugon” para sa lahat. Sa kabuuan, nakita naming naapektuhan ang marketing ng mga negosyo sa apat na natatanging paraan dahil sa COVID-19–at hindi palaging direkta ang pag-usad ng mga ito. Tukuyin kung alin sa apat na sitwasyong ito ang may pinakamalapit na kaugnayan sa iyong negosyo, pagkatapos ay pag-isipan ang mga katumbas na diskarte sa search marketing. Dapat makatulong sa iyo ang pinakamahuhusay na kagawiang ito na maipagpatuloy ang negosyo mo sa ngayon habang nagtatakda ng pundasyon para sa pagbawi. Nakakaranas ng mga bagong hamon ang iyong negosyo Dahil sa tugon sa COVID-19, nagbago ang paraan ng pakikipag-ugnayan ng mga tao sa mga negosyo, na nagdulot ng mga abala sa supply at demand, pati na rin mga abala sa logistics kaya naman naging hindi tiyak ang mga pagpapatakbo. Kung kinakaharap ng iyong kumpanya ang mga hamong ito, baka gusto mong mamuhunan sa digital na marketing kung mayroon lang itong positibong epekto sa iyong negosyo sa loob ng susunod na 30 araw. Baka pinag-iisipan mo ring i-pause ang iyong mga campaign ng pag-advertise kung nakakaranas ka ng matinding pagbabago-bago sa supply at demand. Sa kabila ng mga hamong ito, puwede mo pa ring suportahan ang iyong mga customer sa pamamagitan ng pag-aayon ng diskarte mo. Para makapagsimula, inirerekomenda naming suriin mo ang iyong mga kasalukuyang trend at unawain mo kung ano ang epektibo:
Kapag nagawa mo na ang pagsusuring ito, pag-isipan ang mga sumusunod na rekomendasyon para makatulong sa iyong pasimplehin ang mga Search campaign mo habang pinagdaraanan mo ang panahong ito na walang katiyakan:
Pag-isipang magkaroon ng bagong istruktura ng account na puwedeng i-automate kung kinailangan mong mag-pause ng ilang campaign o i-pause ang lahat ng campaign dahil sa sitwasyon ng COVID-19. Puwede itong maging paraan para ilunsad ulit ang iyong mga campaign sa pinakamagagandang kundisyong posible–kapag puwede na itong gawin batay sa sitwasyon. Pagtuunan ang mga rekomendasyong ito sa pangangalaga sa account at istruktura ng campaign:
Ina-assess ulit ng iyong negosyo ang mga priyoridad nito
Kung ina-assess ulit ng iyong kumpanya ang diskarte nito, posibleng pinagtutuunan mo ang pagkontrol sa panganib hanggang sa makapagpasya ka tungkol sa iyong mga susunod na hakbang. Puwedeng kasama rito ang pag-iisip nang mabuti kung paano maging matatag sa kabila ng mga hamon sa pamamahala sa pera at pagbabago-bago sa mga customer–kahit ang pagbabawas ng mga gawain para magkaroon ka ng mas mahabang panahon para makapagpasya. Habang sinusubaybayan mo ang mga nagbabagong trend, may mga paraan para iayon ang iyong mga campaign sa kasalukuyang sitwasyon para masuportahan mo ang iyong mga customer. Nasa ibaba ang ilang rekomendasyon para matulungan kang tumuon sa pag-optimize habang ina-assess mo ulit ang iyong diskarte:
Inirerekomenda rin naming tingnan mo ang iyong website. Karaniwang nakakakuha ng mas maraming conversion at mas mataas na return on ad spend ang na-optimize na karanasan sa mobile website. Tiyaking palaging available, naa-access, secure, magagamit, matutuklasan, at mabilis ang pangunahing functionality ng iyong website. Gamitin ang kakalunsad lang na feature na banner ng Google Optimize na makakatulong sa iyong panatilihing may alam ang mga customer mo tungkol sa mga pagbabago sa iyong mga normal na oras ng negosyo, iniaalok na serbisyo, patakaran sa pagpapadala, at higit pa. Nagbabago ang iyong negosyo para iayon ang mga produkto at serbisyo
Kung mabilis na nagbabago ang iyong negosyo para iayon ang mga produkto at serbisyo mo, makagawa ng mga bagong alok, o maabot ang iyong mga customer sa mga bagong paraan dahil sa mga bagong trend ng consumer, puwede kang tumuon sa pag-unawa kung paano baguhin ang diskarte mo habang napapanatili ang volume. Nasa ibaba ang ilang rekomendasyon para matulungan kang mapanatili ang volume habang inililipat mo ang iyong mga Search campaign sa mga bagong layunin:
Baka malaman mo ring ikaw o ang iyong team ay may dagdag na bandwidth–pero hindi ka pa handang gumawa ng malalaking pagbabago sa mga campaign mo. Inirerekomenda namin itong mas maliliit na pag-optimize na makakatulong sa iyong gamitin ang dagdag na oras na ito:
Namumuhunan ang iyong negosyo para matugunan ang tumaas na demand
Nagbabago ang gawi ng customer, kaya mas mataas ang nakukuhang demand ng ilang negosyo para sa kanilang mga serbisyo at produkto kaysa dati. Kung ang iyong negosyo ay namumuhunan para matugunan ang mga pagtaas sa demand ng customer, baka nasa posisyon ka para magpalawak sa mga bagong audience, market, at customer. Sa pamamagitan ng pag-assess sa iyong mga agaran at pangmatagalang plano sa marketing, makakahanap ka ng mga paraan para mamuhunan sa negosyo mo para matugunan ang demand–at makapagbigay ng serbisyo sa iyong mga customer sa pinakamahusay na paraang posible. Nasa ibaba ang ilang partikular na rekomendasyong makakatulong sa iyong baguhin ang mga Search campaign mo at pagtuunan ang mahusay na pagpapatakbo sa mga panahong walang katiyakan:
Alam naming napakahalaga ng kaligtasan ng brand. Habang binabalak mong magpalawak sa mga bagong audience, market, at customer, tandaan ang sumusunod na gabay:
Unawain ang mga trend sa SearchDahil sa kasalukuyang market na mabilis na nagbabago, nagkakaroon ng napakaraming data, kaya naman mahirap subaybayan ang mga hindi mahuhulaang pagbabago sa mga pangangailangan at interes ng mga tao. Para makasabay, gumagamit ang mga negosyo ng iba't ibang resource kaya ng social listening, mga survey, at kanilang data mula sa first party. Para makatulong, naglabas kami ng bagong tool sa Think with Google na makakatulong sa iyong maunawaan kung paano binabago ng mga consumer ang kanilang mga kagustuhan at inaasahan. Ipinapakita ng interactive na tool na ito ang mga kategorya sa retail na pinakamabilis sumikat sa Google Search, ang mga lugar kung saan lumalaki ang mga ito, at ang mga aktwal na query na nauugnay sa mga ito. At araw-araw nag-a-update ang data para makasabay sa iyong mga nagbabagong pangangailangan. Para matukoy ang iba pang trend sa paghahanap at mga real-time na insight na may kaugnayan sa iyong negosyo, gumamit ng Google Trends. Isa itong madaling paraan para i-explore kung ano ang unang naiisip ng iyong mga customer–at tuklasin kung paano isaayos ang diskarte mo sa marketing para makatulong na matugunan ang mga inaasahan nila:
Matuto pa tungkol sa kung paano gumamit ng Google Trends dito. Paghandaan ang susunod na mangyayariBagama't hindi natin alam kung kailan matatapos ang mga nakakaabalang pagbabago ng krisis na ito, alam nating mahalagang manatiling flexible para manatiling may ugnayan sa mga customer at maibigay sa kanila ang suportang kailangan nila. Panahon lang ang makakapagsabi kung magtatagal ang ilang partikular na pagbabago sa gawi ng customer, pero ang kabuuang epekto ay pangmatagalang paglipat sa digital. Kaya habang nagsisikap tayong suportahan ang isa't isa, gamitin ang panahong ito para suriin ulit ang mga priyoridad sa negosyo, sumubok ng mga bagong diskarte, at makipag-ugnayan sa mga customer sa mga bagong paraan.
Paano namin mapapaganda ito? |